Bahay Kubo

Bahay kubo, kahit munti Ang halaman doon ay sari-sari. Singkamas at talong, sigarilyas at mani Sitaw, bataw, patani.


Bahay kubo, kahit munti

Ang halaman doon ay sari-sari.

Singkamas at talong, sigarilyas at mani

Sitaw, bataw, patani.

Kundol, patola, upo’t kalabasa

At saka mayroon pang labanos, mustasa,

sibuyas, kamatis, bawang at luya

sa paligid-ligid ay puro linga.

Posted in: Folk Songs Tagalog